Monday, July 17, 2006

so, so close, yet...

Hanggang dito nalang ba tayo? Mga nakaw na sandali? Pagkukunwari?
Laking tuwa ko kapag kausap kita, kahit ano ang paksa, kahit alam ko na ang binibigay mong impormasyon. Hindi sa hinahayaan lang kita sa iyong pagsasalita. Pero kahit alam ko na, at hindi na bago ang kaalamang ito, pag nanggagaling sa iyo, parang bago sa pandinig ko.
Napakalaki ng ngiti ko kapag tinatawagan mo ako. Naririnig ko sa boses mo, hindi lamang ang mga salitang sinasambit mo, ngunit ang magandang musika ng mga hindi mabigkas na nadadama.
Tuwing magdadampi ang palad mo at palad ko, gaano man kaikli ng sandali--sa pag-iisip ko lang ba na parang ayaw mong bumitaw?--para bang tayo lang dalawa sa mundo. wala ang realidad ng ibang tao.
Mababaw ba ako? Baliw ba ako? Hindi ito ang unang pagkakataong naisip ko ito. Pero paano naman mapipigilan?
Parang baduy na pelikula nuong dekada 80, sa pakiwari ko’y mahalimuyak ang paligid, hinahangin ang napakahaba kong buhok, at naglalakad ako—pagkatapos ay tatakbo—sa dalampasigan tungo sa iyo.
Sabi ko na nga ba, hindi ako dapat magsulat ng kuwentong pampelikula na ang paksa ay pag-ibig. Hindi bebenta sa takilya. I-straight-to-DVD ko nalang kaya?:D

1 Comments:

Blogger Pamstr said...

tama! straight to DVD. self distribution is the way to go. DIY. Indie rules...

This an original btw?

And anu na nangyari sa date mo?

9:02 AM  

Post a Comment

<< Home