Thursday, September 21, 2006

Nakakalungkot. Nakakapanggigil.

Sumang-ayon ang mga kinatawan sa Kongreso na wikang banyaga ang gamitin para sa pagtuturo sa mga paaralan sa ating bansa. Bakit ganoon? Hindi ko mawari! Sa bansa ng mga Hapon, pinag-aaralang mabuti ang kanilang sariling wika, at pati ang pagsusulat ng mga karakter nila. Sa bansa din ng mga Koreano ay ganito ang ginagawa. Maunlad silang mga bansa, di ba? Ang U.S. pa nga ang naghihikahos ngayon.
Wala na ngang natatanging paraan ng pagsusulat ang Pilipinas, ngayon ay mawawala pa sa atin ang ating sariling pananalita? Sa tingin nila ay makakatulong ito sa pagpapaunlad sa ating mga mamamayan? Kelan ba ginawang ika-51 estado ng Estados Unidos ang Pilipinas? Ano ang mensahe na pinaaabot nila sa mga mag-aaral? Ang pagmamahal sa wikang banyaga? Na mabuti ang magpugay sa wikang banyaga? Hindi ito ang sagot sa problema ng edukasyon sa ating bansa.
Ang sagot ay ang paglalaan ng pera ng bayan sa edukasyon, at hindi paglilipat nito sa military! Ang ibayong pagpapahalaga sa pamilya at karapatang pantao. Ito ang ilan sa mga susi sa paghubog sa mabubuting mamamayan ng Pilipinas. Hindi ang pagtuturo sa kanilang maging mabubuting mga alila ng mga banyaga paglaki nila!

1 Comments:

Blogger Giselle said...

yan ang masaklap eh. di na nga tayo magaling sa ingles, pati sa sariling wika mahina rin. labo noh?

3:49 AM  

Post a Comment

<< Home